wow..ang bilis ng panahon..malapit na magbago ng taon..ilang aaw nalang 2010 na..
at ilang buwan nalang..graduate na ako..oye..:) tapos ilang buwan nalng din..Board exam na..!!
malapit na magtapos ang pagging istudyante ko at welcome to the real world of unemployed and employed..to the REAL world..na wala ng kopyahan..:) sa pagsapit ng taong 2010.. may ilang bagay na dapat na isipin ko..para magkaron ako ng direksyon..motibasyon..at insipirasyon..:)
MAKAPASA SA: Short term
1. Revalida
2. Nursing Audit
3. candidate for graduation
4. Board Exam
wee.. RN na!:D Jielliane Mae Virtudazo Santos R.N.
..(mga sana..)
-makahanap ng trabaho agad
-mag apply sa San lazaro or Ospital ng Muntinlupa..(sana sana)
-mag Masteral ng Nursing
-maging Clinical Instructor..:)
-maka sweldo agad
-maka ipon agad..magkaron ng ATM, credit cards, Bank account..:D
..(mga iiwasan)
-pag inom
-pangongopya minsan
-pagpapakopya
-pagpupuyat
-pag fafacebook
-pagtetxt
-pag iisip ng kung anu ano..
..(mga dapat pahalagahan laging isipin)
-si papa..
-si mama at kuya
-si alan
-kaibigan ko..(yung tunay din na nagpapahalaga sakin..)
-sarili ko
..(mga dapat gawin)
-mag aaral ako
-pipiliting magbasa
-iiwas minsan kung may lakad ang tropa
-gagawa ng reviewer..
-ipon mode..
hays..kahit di matupad lahat yan..basta matupad ang unang apat..:D
masaya na ako..:) i know..God Has better plans for me..plans to prosper me and not to harm me..
KAYA KO TO!!
Saturday, December 26, 2009
Things i must Keep in Mind this 2010
Posted by Bilog..malayang pagsusulat! at 1:42 AM 0 comments
Thursday, December 24, 2009
Merry Christmas 2009
this is it! its Christmas eve..
na miss ko lahat..diba ang pasko ay para sa mga taong malalapit sayo? para kay Jesus..sa knyang birthday..God is Love.when there is love..there is forgiveness..when there is forgiveness there is peace..and when there is peace there is love..and GOD IS LOVE..God is everywhere..
this Christmas..ito na siguro ang pinaka malungkot na pasko ko..ito ang unang paskong may sinabihan akong mahal kita..pero di ko kasama..unang pasko na di kami sabay sabay kumain ni kuya at mama..unang pasko na nagbigay ako ng gift..unang pasko na wala akong ginawa kundi mag isip..malungkot..masaktan..
Binigyan tayo ng Diyos ng utak para makapag isip..ng puso para makaramdam..
pero minsan di natin namamalayan..na di na natin nagagamit ang utak natin..nagiging tanga na tayo..pero di masama maging tanga..o aminin tanga tayo..yun nga lang wala pang medalya para sa mga tanga..
kung papipiliin ka ng taong paniniwalaan mo..wag ka magisip..paniwalaan mo kung sino o ano ang makakapagpaligaya sayo..in the end..magmuka ka mang tanga..masaya ka naman.. dahil di mo naman alam ang tama sa lahat ng mali..ang katotohanan sa lahat ng kasinungalingan..Sa mundong ito, wala kang ibang pwedeng pagkatiwalaan kundi ang sarili mo lamang..
di natin kilala ang isat isa para humusga ng kapwa..may iba ilang taon ng magkakilala di pa nila alam na bading pala ang taong ksama nila..may iba na isang araw lng magkilala..pinagkakatiwala na ang cellphone o anuman..wala tayong karapatan na husgahan at patawan ng habang buhay na pagkabilanggo ang isang tao dahil lang sa napakaraming bagay na nagawa niya sa buhay niya..wag natin ikulong sa utak natin na walang karapatan magbago ang baboy..
walang tama o mali kung nagmahal ka..magmamahal ka msasaktan ka iiyak ka sasaya ka..pare parehO..iikot ang mundo..pero ikaw di ka dapat umikot kasabay nito..
magsusugal ka mawawalan ka ng pera..tataya ka ulit..mangungutang..tapos magsusugal..
tatakbo ka mapapagod..tatakbo ulit..madadapa..magpapahinga..tapos tatakbo ulit..
kung pagod pwede magpahinga..
kung wala ng maitaya..pwedeng mag ipon..
kung sobrang nasaktan kana..malamang..wala ng isasakit pa yan..
Hindi mo naman kailangang gawin lahat para maging masaya. Kailangan mo lang alagaan yung nagpapasaya sa’yo para hindi siya mawala..
MISS KO NA SI PAPA..:(
Posted by Bilog..malayang pagsusulat! at 8:41 AM 0 comments
Tuesday, December 22, 2009
Disyembre bente dos..09
i love you love..
The world will get tired of me. You will get tired of me. I will get tired of myself, and I...and I will never get tired of you...
i love loving you..i miss you..:(
love,
Jielliane..
Posted by Bilog..malayang pagsusulat! at 7:02 AM 0 comments
Thursday, December 17, 2009
Pagtakbo
bakit ganun? Di kita maramdaman??
alam mo bang di na tlga kita maramdaman?
pilit kitang inaabot..pero di kita maabutan..masyado kang mabilis..
sa pagtakbo mo..nakalimutan mong may humahabol din sayo para makapantay mo..
pero ang layo mo na..di na kita matanaw..
pero tatakbo ako..hahabulin kita..di ako mapapagod kahit ilang ikot pa ang gawin mo..pero kung sakaling di kita maabutan..isipin mo nalang na baka nadapa ako..nagpapagaling..para tumakbo uli..:(
Posted by Bilog..malayang pagsusulat! at 7:34 AM 0 comments