CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Wednesday, June 4, 2008

takot talaga ako..

"Takot ako...ang dami kong takot...sobrang dami kong takot..."

Ngayon na lang ulit ako nakapagsulat sa blog na ito..halos nakalimutan ko na meron pa pala akong blogspot..isa akong blogger..mahilig magsulat ng walang katuturan..walang mambabasa(buti nalang!) walang patutunguhan..puro ako sa multiply, frindster at pinoy exchange..haha..tama! chismosa ako pagdating sa showbiz..LOL

Moving on, (wow!) ayon sa aking sinulat sa umpisa..na takot ako..at base naman sa picture na nakikita ko..(ako ata yan) bukod sa parang nagbabadget o hirap sa exam o parang pagod na..hindi ko ma explain ang feeling na parang natatakot ako..lahat ng klaseng takot..naramdaman ko na..kulang na lang mamatay ako sa takot..takot ako sa dilim, malaking daga, sa malalim na tubig, sa mataas na lugar..takot akong bumagsak sa test kahit 1-5 lang yun..takot akong magkaroon ng tres(sino ba?), takot ako sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pag-aaral ko..takot akong mawalan ng pera..takot ako na mawalan ng pera sa pitaka ko..haisst..
takot akong bumagsak sa nursing board exam..hindi makapag abroad at hindi makapag bigay ng pera sa pamilya ko..

dahil sa takot ko nagiging negatibo ako, dahil sa takot ko..takot akong sumubok ng tama..dahil baka mali..

ngayon gugustuhin nyo pa bang matakot?

College "new" terminologies..LOL

since wala akong masulat sa blog ko ngayon..naisipan kong isulat ang mga terminong nakasalamuha ko at natutununan ko ngayong kolehiyo na ako..

team building- inuman
group study- foodshop inuman
typing master- after collation, inuman
tengga mode- naka tengga (pano ko ba mapapaliwanag??) nakatanga!
zenglot- lasing; bangag
emo- taong mahilig sa kantang emo, broken heart, suicidal tendency, may bangs, may salamin..(tukso sakin ng friend ko)
rasta- taong mahilig sa reggae, marijuana (tukso ko sa friend ko)
tinira- laging inaasar (eg. lagi mo nalang tinitira si ____)
gabinete- laging present sa inuman
mamam- paraan ng pag inom ng alak; inuman ulit
lungs to lungs talk- seryosong usapan ng dalawang taong nagyoyosi
kidney to kidney talk- seryosong usapan ng dalawang taong naiinuman
basagan- inumang walang patid hanggang malasing
batas ng alak- bawal ang magtira; bawal ang magbalik; bawal may latak


ilan lang yan sa mga natutunan ko..sa pakikinig..sa pakikihalubilo..sa pakikisama..

may kanta naman na nabuo dahil sa inuman..
para sa mga taong laging ang pulutan ang pinapapak..
mula sa saliw ng UGOY NG DUYAN..

"sanay wag gawing kanin..ang
aming pulutan..itoy hindi piknikan..
ito ay..inuman.."

ayos ba??

manAgip ka hangga't kaya mo..

tuwing gabi na lang..nangangarap ako, naiisip ko na ako yung nilalandi mo, na ako yung ka hawak kamay mo, na hinahatid mo ko sa uwian, na na ako ang inaakbayan mo, na ako ang niyayakap mo, na ako ang kinakausap mo, na ako ang kakulitan mo, na pag ako ang kamasa mo..MASAYA ka..

sarap mangarap no? managinip na parang nangyayari nga sa tunay na buhay..yung tipong hawak mo ang mundo sa panaginip mo..na kahit anung twist ng istorya sa dulo ikaw parin ang magwawagi..na kahit ilang mga kontrabida alam mo na sa dulo ikaw parin ang pipiliin niya..dahil ikaw nga naman ang nangangarap..

HAWAK MO ANG MUNDO..

masaya..masarap..madali..mahirap..masakit..nakakatakot..

masaya, dahil ikaw ang nagmamaneho ng pangarap mo..hawak mo damdamin ng bawat tao na parang totoo kahit hindi naman sa tunay na buhay..
masarap, dahil sa panaginip mo ikaw ang gusto niya kahit sa tunay na buhay alam mo na kahit anung pilit mong isipin malabo, hindi mangyayari..
madali, dahil napakadaling isipin ang bawat kwento sa isip para maging makatotohanan sa panaginip..napakadaling linlangin ang isip pag nangangarap ka sa isang bagay..

mahirap at masakit lalo na pag nagising kana sa katotohanang kailanman nananaginip kalang at kahit kailang walang katotohanan sa mga iyon..na kahit anung gawing pilit..gigising at gigising ka parin sa katotohanang isa lang iyong palabas na parang teleserye na sa tuwing gabi mo lang masusubaybayan..
nakakatakot, lalo na kung makulong kana sa panaginip at umasa ka na mangyayari sya sa tunay na buhay..

pero masarap parin mangarap..tulad nga ng sabi nila.."LIBRE LANG ANG MANGARAP" mangarap ka ng mangarap..hanggang sa magsawa ka..hanggang sa mapagod ka.. hanggang sa mapatunayan mo sa sarili mo na PANGARAP LANG NAMAN TALAGA YUN..isang panaginip...

M_A_L_A_Y_A ang gustO ko

gusto kong maging malaya..
ayaw ko ng nakakulong..gusto kong makita ang lawak ng dagat at masisid ang lalim nito..gusto kong tumakbo ng mahaba, maglakad ng mabagal, magbabad sa araw..saluhin ang bawat patak ng ulan, inumin lahat ng pwedeng inumin, kainin lahat ng pwedeng makain, sabihin lahat ng pwedeng sabihin, kantahin lahat ng pwedeng kantahin,isulat ang lahat ng pwedeng isulat at gawin lahat ng pwedeng gawin ng walang inaalalang ibang tao.
gusto kong maging isang tao na kayang gawin lahat, kahit makasakit sa iba..basta magawa ko lang ang pwede kong gawin..gusto nakawin lahat ng pwedeng nakawin, saktan lahat ng taong nanakit at pwedeng saktan..gusto kong maging masama.
gusto ko ng kalayaan..
gusto kong maging malaya..

gusto kong maging malaya sa sarili ko..

kung tutuusiin..binigyan tayo ng kalayaan-malaya tayo, pero bakit kailangan may mga kondisyon??ang isipin ang kapakanan ng ibang tao, ang wag gamitin sa masama, ang maging mabuti at kung anu anu pa na nagpapawalang silbi sa tinatawag nating kalayaan..LIMITASYON...

LIMITASYON..oo limitasyon ang naglilimita sa pagiging malaya natin..hindi tayo lubusang malaya..HINDI TAYO MALAYA..NG TUNAY...
walang kalayaan sa mundong ito..dahil kung lahat tayo malaya..LAHAT NG TAO..MASAMA..
walang kalayaan..kahit nasa demokratikong bansa ka man, hindi mo naman nasaabi lahat ng gusto mong sabihin diba?gawin lahat ng gusto mong gawin?
wala..

tayo ang nagpapatakbo sa sarili nating buhay..???
t*ngna!hindi ba natin alam na ang nakapaligid sa atin ang kumokontrol ng buhay natin?hindi tayo makakagalaw ng wala sila. sila ang nagdedesisyon sa atin, naglalagay ng direksyon, gumuguhit ng kapalaran,nagbibigay ng pagpipilian natin kahit hindi naman yun ang gusto nating piliin..hindi tayo pwedeng magsalita ng masasakit dahil nakakasakit at makakasakit tayo..nasaan ang kalayaang makapagsalita???

WALA!

mayaman at mahirap..sigh!

ang sarap maging mayaman..ang hirap maging mahirap..sino nga ba may sabing madaling maging mahirap..??

"ang hirap mabuhay sa mundo na ang nagpapatakbo ay pera"

kahit anong gawing hambing ko sa dalawa ang mayaman parin ang nakalalamang..sa lahat ng aspeto..lugi ang mahihirap..pero kung karanasan naman ang paguusapan..walang tulak ibigin ang mayayaman sa mahihirap..lahat na yata ng trabaho napasok na ng mahihirap, mula sa maliliit na trabaho hanggang sa sideline,raket at pati overtime..minsan hanggang madaling araw kailangan nilang magtiis para makakuha ng pera para sa pamilya nila..minsan nagbebenta pa sila ng atay,kidney,dugo,puso,mata at kung anu anong pwedeng mabenta..ayun ay kung ubos na pati laman ng bahay nila..at kung may bahay silang pwedeng ibenta ibebenta nila..pati pangingibang bansa nasubukan na rin nila,kahit anung mapasukan papasukan nila..ganyan sila ka tiyaga..
pero kahit anung tiyaga na gawin nila..hindi parin sapat na maambunan kahit kaunting grasya na sosobra sa kanilang kinikita..laging sapat lang para sa pagkain,kuryete,tubig,baon..pagkain,kuryente tubig,baon..pagkain, kuryente tubig, baon...PAGKAIN,KURYENTE,TUBIG,BAON...doon lang umiikot..ni wala na silang pambili ng mga bagay na magpapasaya sa kanilang mga luho..mga bagay na nakikita nila pero di nila mahawakan..mga bagay na mahawakan man nila..di naman nila magamit..swerte nalang at may ukay-ukay nauso at secondhand na kinakagat ng mga ibang tao..
may iba naman na tulad ng mga nakikita ko sa mga kalye, mga badjao na kung tawagin ay namamalimos o di kaya ay kumakantakanta sa mga jeep, nagpupunas ng sapatos at kung hindi sila bigyan ng mga tao mumurahin nila o di kaya sasabihan nila ng "mamatay ka na''-sabi nila sila daw ay hawak ng mga sindikato.

ang hirap mabuhay ano?lahat sa pera umiikot..di ko tuloy maalis sa isip ko na napakasarap naman ng buhay ng mga mayayaman..
lahat na yata ng pwede nilang mabili nabibili nila..mga may tatak na damit,mga cellphone, mga computer, mga psp (tama ba?), mga dvds,cds,video cam, digi cam,ref,bahay,telepone,laptop,mga mamahaling pagkain..50php per kilo na bigas mga mamahaling pagkain..mga galing sa ibang bansa na pagkain..nakakapag starbucks pa..at kung sobrang yaman nakakapamasyal pa sa buong mundo.. ang dami nilang maipagmamalaki..

saan ba nila nakukuha yung ganung pera..at kung minsan naiisip ko na hindi talaga pantay ang mundo???kaya madaming gumagawa ng masama..dahil iniisip nila wala na silang itaas pa..ang mga mayayaman lalong nagpapayaman..at ng mahihirap nalulugmok kahit anung gawing tiyaga..swerte nalang yung ibang mga mahihirap na nabigyan ng pagkakataong yumaman..pero bakit ganun?ang hirap unawain?hindi ko masisisi ang gobyerno..pero yun lang ang masisisi ko..dahil kung totoong umiikot lang talaga ang pera sana pantay ang distribusyon nito sa bawat pamilya..at kung totoong pantay talaga ang lipunan sana parepareho eukasyon ng bawat isa..walang nakakataas at walang nakakababa..nagkakaroon tuloy ng diskriminasyon na hindi naman dapat...

isa sa aking mga sentimyento

isa sa pinaka magandang kwentong nabasa ko!

Whoever wrote this brilliant piece should be commended. Save for some
"brutal" terms (which I think is just necessary), this one is worthwhile
to read.....


Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit,
binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa
aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga
alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.



Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.



Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag
lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila
ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila
taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang
namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako. Sa tatlong beses akong
nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko
ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi
akong makalimutan yung mga sadistang Hapon. Kase, ibang-iba ang hagod
niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya
ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang
mga naging anak ko. Parating ang dami naming regalo - may chocolates,
yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya
lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan
mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa
tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga
lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa
buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko
napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin,
yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason
na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming
nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga
anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na
kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na
lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para
ibayad sa mga inutang namin. Sinikap naming lahat maging maganda ang
buhay namin. Ayun, mga nasa
Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe.
'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya
daw sa piling ko, maski amoy usok ako.



Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin,
siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman
na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating
ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap
dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap. Ang di ko inaakala ay
mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin
na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa
mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga.
Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta
at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa
dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman
kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta
maginhawa lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko.
May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang
magandang tulad ko.



Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga
ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano
na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako

balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante
kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga
anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sa tuwing
titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang
bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha
ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang
mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko,
namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin.
Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang
nararamdaman para sa akin. Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may
malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako
kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto
magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero
walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin.
Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng
buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala
sarili ko.


Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko.
Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating.
Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga
anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako.
Gusto kong isigaw:

"INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"



Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha,
pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.



Pilipinas nga pala.