"mahina ka! alam mong mahina ka..pero bakit ka nagpapanggap na malakas?
ano ang katapangan sa likod ng kaplastikan? sarili mo lang niloloko mo?
alin ang katotohanan sa lahat ng kasinungalingan? natatakpan ka ng sarili mong kahambugan..nilamon ka ng sarili mong mundo..
Mahina ka bat hindi mo aminin?????"
isa siya sa taong kilala ko na takot sa mga payaso..nakakatakot ang payaso..
nagpapasaya sila pero di mo alam ang nasa likod ng kanilang mga make up..
hindi maganda sa paningin niya ang makukulay nilang damit..
ang lipistik nilang lagpas sa labi nila..soBrang pula..parang dugo..
ang muka nilang sobrang puti..
ang mga buhok nilang parang ahas..madaming ahas!!
ang malalaki nilang sapatos..ang damit nila na parang di naman normal..
kaya minsan nagdadalwang isip siya kumain sa Mcdonalds..hindi dahil sa pagkain..
kundi dahil sa mukha ng taong nasa labas ng mcdonalds..
natatakot siya..di niya kilala ito dahil ang alam niya ang muka nila ay hindi totoo..
lahat sa payaso ay isang huwad na kasinungalingan..
nakakapgpasaya sila ng tao..laging nakangiti kahit di naman ngpapatawa..
walang nakakatwa..puro sila magic na alam mong may halong pandaraya..
Hindi masaya..Hindi nakakatuwa..
"mahina ka! alam mong mahina ka..pero bakit ka nagpapanggap na malakas?
ano ang katapangan sa likod ng kaplastikan? sarili mo lang niloloko mo?
alin ang katotohanan sa lahat ng kasinungalingan? natatakpan ka ng sarili mong kahambugan..nilamon ka ng sarili mong mundo..
Mahina ka bat hindi mo aminin?????"
--sabi niya habang nakatingin sa salamin at nakamake na na pang payaso..:(
Wednesday, October 7, 2009
Ano ang Maganda sa payaso?? nakakatakot kaya sila!!!
Posted by Bilog..malayang pagsusulat! at 2:06 AM 0 comments
Subscribe to:
Posts (Atom)