CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Saturday, February 6, 2010

sa tuwing naririnig ko ang salitang paghihintay..naiisip ko.. matagal akong naghintay na may magmamahal sakin..yung totoo.. sumubok ako.. sa madaming pagkakataon.. at dahil sumubok ako..nasaktan ako.. halos sa lahat parang pareparehong dahilan..pareho din ang sakit..iiyak ka maaalala mo..hihinto..tapos maaalala mo..makikinig ka ng music tapos..iiyak ka na naman..tapos makikinig ka ng mga emo songs..tapos iiyak ka ulit..PURO iyak hanggang sa di mo na mamalayan..napapagod ka na din umiyak..

lahat naman nakaranas ng maghintay..may iba ilang oras pinagiintay..
pag may lakad may pa importante tapos yung nag iintay magagalit..maiinip..maaasar.. mag aalala..
bakit ba nag iintay??dahil alam mo may darating? o dahil may nagsabing intayin siya? pano ang mga taong nag iintay pero wala naman nagsabing mag intayin sila? bakit sila naghihintay?? nagbabakasakaling may darating?? pano kung wala na? pano kung..ang dumating iba sa inaasahan nilang dumating??

Mahirap mag hintay sa bagay na di mo alam..kung darating ang araw na babalik sila..para kang nakasabit sa puno..na malapit ka ng malaglag..hinihintay ang taong yun para tuluungan ka at di malaglag..masasaktan ka..kakapit ka sa puno..di mo namamalayan namamanhid na ang kamay mo..braso mo..lahat ng lakas mo mauubos.. hanggang sa gugustuhin mo nalang na mahulog sa puno..

hanggang kelan? hanggang san? ka maghihintay sa bagay na di mo alam kung hanggang kelan..walang kasiguraduhan.. maghihintay ka pa din ba sa taong nangakong darating para sayo? o hahayaan mo nalang na mahulog sa puno at wag na intayin ang oras ng knyang padating?
pano kung dumating sya sa panahong nahulog kana sa puno at pagod na? o pano kung dumating siya nakakapit ka padin sa puno pero siya..meron ng iba??

pero alam mo kung anu ang maganda sa pa iintay?? makikita ng taong nagpapaintay kung gano mo sila kamahal para matiis mo na mag intay.. dahil may tamang panahon at oras..lahat may dahilan.. nasa tao na yan pano tatanggapin kung ano ang pwedeng mangyari..

buong buhay ko nag hihintay ako... hindi ako sumusuko..hindi rin ako bumibitaw.. ang hiling ko lng..pahalagahan ako..

Ngayon nag iintay ako sa taong humiling na hintayin siya..
Hindi ko alam hanggang kelan ako mag iintay..
hindi ako sumusuko..o bumibitaw..
mag hihintay ako hanggat kaya kong maghintay..
sana sa pagbabalik niya..lahat ng bagay maayos na..

**nagugutom na ako...***:((
SOundtrip: I'll wait for you

Not Enough

Di ka pwedeng mag mahal ng sabay..mahal mo siya pero mahal mo parin ang nakaraan.. Di ka makakapaglakad hanggat di mo pa kinukuha ang dapat makuha..
di ka makakapagpatuloy hanggat may naiwan ka pa sa pinang galingan mo..dahil babalik at babalik ka padin..para kunin ito..
di ka pwedeng magmahal..hanggat ang puso mo ay pag mamay ari pa ng iba..

kung pipilitin mong magmahal para lang makalimutan siya..di lang sarili mo ang sinsaktan mo..pati ibang tao sasaktan mo din..Hindi patas..LUGE..
ang isa sumugal..ang isa pala sumugal pero di lahat..
ang isa binigay lahat..ang isa pala wala pang maibibigay..
kahit san tignan may mali..may lugi..may masasaktan..san ka lulugar?

minsan iniisip ko..ang pag ibig parang sugal..pero nakakasawa na na ikumpara ang lahat sa sugal..
dahil minsan..hindi ka na sumusugal..kusa mo ng ibinibigay..kahit alam mong pwedeng wala ng matira sayo..hanggang sa wala ka ng mabigay..kulang padin para mapasaya mo ang taong gusto mo mapasaya..

"san mo ilalagay ang sarili mo sa taong di alam san ka din ilulugar sa buhay niya?"
wala kang pwesto..mahalaga ka siguro pero ang puso niya naiwan padin sa nakaraan.. hindi mo pwedeng isiksik ang sarili mo dahil kahit anung siksik mo..di parin sapat..
wala kang mali nagmahal ka..yun nga lang sa taong di pa handang magmahal..

"fixing someone’s broken heart is much more like treating a sickness.. no matter how hard you try, if you’re not the right medicine, you can never cure the pain.":(