CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Wednesday, June 4, 2008

mayaman at mahirap..sigh!

ang sarap maging mayaman..ang hirap maging mahirap..sino nga ba may sabing madaling maging mahirap..??

"ang hirap mabuhay sa mundo na ang nagpapatakbo ay pera"

kahit anong gawing hambing ko sa dalawa ang mayaman parin ang nakalalamang..sa lahat ng aspeto..lugi ang mahihirap..pero kung karanasan naman ang paguusapan..walang tulak ibigin ang mayayaman sa mahihirap..lahat na yata ng trabaho napasok na ng mahihirap, mula sa maliliit na trabaho hanggang sa sideline,raket at pati overtime..minsan hanggang madaling araw kailangan nilang magtiis para makakuha ng pera para sa pamilya nila..minsan nagbebenta pa sila ng atay,kidney,dugo,puso,mata at kung anu anong pwedeng mabenta..ayun ay kung ubos na pati laman ng bahay nila..at kung may bahay silang pwedeng ibenta ibebenta nila..pati pangingibang bansa nasubukan na rin nila,kahit anung mapasukan papasukan nila..ganyan sila ka tiyaga..
pero kahit anung tiyaga na gawin nila..hindi parin sapat na maambunan kahit kaunting grasya na sosobra sa kanilang kinikita..laging sapat lang para sa pagkain,kuryete,tubig,baon..pagkain,kuryente tubig,baon..pagkain, kuryente tubig, baon...PAGKAIN,KURYENTE,TUBIG,BAON...doon lang umiikot..ni wala na silang pambili ng mga bagay na magpapasaya sa kanilang mga luho..mga bagay na nakikita nila pero di nila mahawakan..mga bagay na mahawakan man nila..di naman nila magamit..swerte nalang at may ukay-ukay nauso at secondhand na kinakagat ng mga ibang tao..
may iba naman na tulad ng mga nakikita ko sa mga kalye, mga badjao na kung tawagin ay namamalimos o di kaya ay kumakantakanta sa mga jeep, nagpupunas ng sapatos at kung hindi sila bigyan ng mga tao mumurahin nila o di kaya sasabihan nila ng "mamatay ka na''-sabi nila sila daw ay hawak ng mga sindikato.

ang hirap mabuhay ano?lahat sa pera umiikot..di ko tuloy maalis sa isip ko na napakasarap naman ng buhay ng mga mayayaman..
lahat na yata ng pwede nilang mabili nabibili nila..mga may tatak na damit,mga cellphone, mga computer, mga psp (tama ba?), mga dvds,cds,video cam, digi cam,ref,bahay,telepone,laptop,mga mamahaling pagkain..50php per kilo na bigas mga mamahaling pagkain..mga galing sa ibang bansa na pagkain..nakakapag starbucks pa..at kung sobrang yaman nakakapamasyal pa sa buong mundo.. ang dami nilang maipagmamalaki..

saan ba nila nakukuha yung ganung pera..at kung minsan naiisip ko na hindi talaga pantay ang mundo???kaya madaming gumagawa ng masama..dahil iniisip nila wala na silang itaas pa..ang mga mayayaman lalong nagpapayaman..at ng mahihirap nalulugmok kahit anung gawing tiyaga..swerte nalang yung ibang mga mahihirap na nabigyan ng pagkakataong yumaman..pero bakit ganun?ang hirap unawain?hindi ko masisisi ang gobyerno..pero yun lang ang masisisi ko..dahil kung totoong umiikot lang talaga ang pera sana pantay ang distribusyon nito sa bawat pamilya..at kung totoong pantay talaga ang lipunan sana parepareho eukasyon ng bawat isa..walang nakakataas at walang nakakababa..nagkakaroon tuloy ng diskriminasyon na hindi naman dapat...

isa sa aking mga sentimyento

0 comments: