since wala akong masulat sa blog ko ngayon..naisipan kong isulat ang mga terminong nakasalamuha ko at natutununan ko ngayong kolehiyo na ako..
team building- inuman
group study- foodshop inuman
typing master- after collation, inuman
tengga mode- naka tengga (pano ko ba mapapaliwanag??) nakatanga!
zenglot- lasing; bangag
emo- taong mahilig sa kantang emo, broken heart, suicidal tendency, may bangs, may salamin..(tukso sakin ng friend ko)
rasta- taong mahilig sa reggae, marijuana (tukso ko sa friend ko)
tinira- laging inaasar (eg. lagi mo nalang tinitira si ____)
gabinete- laging present sa inuman
mamam- paraan ng pag inom ng alak; inuman ulit
lungs to lungs talk- seryosong usapan ng dalawang taong nagyoyosi
kidney to kidney talk- seryosong usapan ng dalawang taong naiinuman
basagan- inumang walang patid hanggang malasing
batas ng alak- bawal ang magtira; bawal ang magbalik; bawal may latak
ilan lang yan sa mga natutunan ko..sa pakikinig..sa pakikihalubilo..sa pakikisama..
may kanta naman na nabuo dahil sa inuman..
para sa mga taong laging ang pulutan ang pinapapak..
mula sa saliw ng UGOY NG DUYAN..
"sanay wag gawing kanin..ang
aming pulutan..itoy hindi piknikan..
ito ay..inuman.."
ayos ba??
Wednesday, June 4, 2008
College "new" terminologies..LOL
Posted by Bilog..malayang pagsusulat! at 4:22 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment