CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Wednesday, June 4, 2008

M_A_L_A_Y_A ang gustO ko

gusto kong maging malaya..
ayaw ko ng nakakulong..gusto kong makita ang lawak ng dagat at masisid ang lalim nito..gusto kong tumakbo ng mahaba, maglakad ng mabagal, magbabad sa araw..saluhin ang bawat patak ng ulan, inumin lahat ng pwedeng inumin, kainin lahat ng pwedeng makain, sabihin lahat ng pwedeng sabihin, kantahin lahat ng pwedeng kantahin,isulat ang lahat ng pwedeng isulat at gawin lahat ng pwedeng gawin ng walang inaalalang ibang tao.
gusto kong maging isang tao na kayang gawin lahat, kahit makasakit sa iba..basta magawa ko lang ang pwede kong gawin..gusto nakawin lahat ng pwedeng nakawin, saktan lahat ng taong nanakit at pwedeng saktan..gusto kong maging masama.
gusto ko ng kalayaan..
gusto kong maging malaya..

gusto kong maging malaya sa sarili ko..

kung tutuusiin..binigyan tayo ng kalayaan-malaya tayo, pero bakit kailangan may mga kondisyon??ang isipin ang kapakanan ng ibang tao, ang wag gamitin sa masama, ang maging mabuti at kung anu anu pa na nagpapawalang silbi sa tinatawag nating kalayaan..LIMITASYON...

LIMITASYON..oo limitasyon ang naglilimita sa pagiging malaya natin..hindi tayo lubusang malaya..HINDI TAYO MALAYA..NG TUNAY...
walang kalayaan sa mundong ito..dahil kung lahat tayo malaya..LAHAT NG TAO..MASAMA..
walang kalayaan..kahit nasa demokratikong bansa ka man, hindi mo naman nasaabi lahat ng gusto mong sabihin diba?gawin lahat ng gusto mong gawin?
wala..

tayo ang nagpapatakbo sa sarili nating buhay..???
t*ngna!hindi ba natin alam na ang nakapaligid sa atin ang kumokontrol ng buhay natin?hindi tayo makakagalaw ng wala sila. sila ang nagdedesisyon sa atin, naglalagay ng direksyon, gumuguhit ng kapalaran,nagbibigay ng pagpipilian natin kahit hindi naman yun ang gusto nating piliin..hindi tayo pwedeng magsalita ng masasakit dahil nakakasakit at makakasakit tayo..nasaan ang kalayaang makapagsalita???

WALA!

0 comments: