CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Friday, January 7, 2011

Bilang isang Nurse

Dati.. Gusto ko maging nars.. Bakit.. kasi madaming pera! madali ang makahanp ng trabaho! pero ngayon napahiya lang ako sa sarili kong panaginip.. Mali.. bukod sa mahirap humanap ng trabaho..hindi kapa compensated sa mga ginagawa mo!

Ngayon, may trabaho ako.. Yes!! nakakapag trabaho ako..and if you will asked me how much the sahod.. ill just say to you guys na "WALA" volunteer ako..and even allowance wala.. even the smallest hope na ma aabsorb ako parang wala..

WALA. since the day na nagstart ako na mag work, i feel na this is it.. im gonna practice na the profession na pinili ko.. but sadly, i haven't felt the happiness since the day na nagstart ako. yung feeling na happy ako sa ginagawa ko, na happy ako sa work ko, yung HAPPINESS within..wala.

HAPPINESS. i started as Nursing aide, 2 months akong naging utusan nag vivital signs ng humigit kumulang 30 patients in a day, and if you as me if im happy.. NO! because im not growing.. and as a nurse you have to grow na hindi lang puro vs!

LEVEL UP. after 2 months eto na, hawak na ng patient, start sa mga MGH na patient to pedia to OB..and if you as me again if it added spice in my career..yes! but somehow it added stress everytime na pumapalpak ako. Pumapalpak ako in a such a way na di ko ineexpect na ganun ang kakalabasan.

WORTHLESS. and because of that palpak issue. Incidence report to the highest level, and every IR na ginagawa ko..sobrang na dedegrade ako, and i felt na im not as effective nurse as i thought i was. hindi pala.. simpleng instruction di ko magawa, and simpleng order pumapalpak pa.. and yes.. im a failure..:(

FAILURE. marami pa ko dapat matutunan..pero di ko alam ang chance ko as ospital na pinag woworkan ko.. im losing hope.. im losing chances.. im out of my mind and im about to give up..:(

konti nalang.. bibigay na ako..:(

Sunday, July 4, 2010

Shock after Board..

Board Exam was a super Blast..

pinaka mahabang 2 oras sa buhay ko ang bwat exam na laging mong iniisp kung tama ba ang sagot mo.. and all you have to do is to have faith in Him..minsan..wala ka ng ibang bibig kundi "Lord Help Me" pati sa Booklet isusulat mo na din ang Lord help me..para lang tulungan ka sa mga items na tlagang wala kang idea san nakuha..

pero..with God's Proper Guidance and God's divine mercy i know..He is with me..and forever faithful with me..i know He have this plans for me..i have faith in Him.. His hands was working when i am taking the exam..although talagang mga mga ilan na tlgang mahirap..as in sobra..mapapapikit ka nalang sabay sabing.."Lord..Tulong"

Then..after exam..tanungan..iwasan ng tanung pero gustong gustong mgtanong..feeling na hahanap ka ng kapareho mong sagot..malas mo pag naiba sagot mo..mapapraning ka..and nangyari sakin yan..>,<

whats the best thing happened to me..after taking the exam?? the feeling na ito na ang last..tapos na..SANA BY GOD"S MERCY HINDI NA UMULIT..UNA AT HULI... i learned to value my Family and Friends and most especially God..who created the minds of the BON..:) and gives me wisdom and knowledge..i know im not really that prepared..pero..knowing na i took 5 yrs ang nursing makes me feel na its more than enough na super duper mega dapat maging RN na ako by Sept!

Maraming salamat sa lahat ng mga naksama ko..) mga Minahal ko at lahat ng tumulong sa akin...
And to God,.,wHo make things Possible..

I can do All things through Christ who strengthens me..:)
I love you Lord!!:)

Wednesday, March 17, 2010

kanan at kaliwang utak ko..

"wag kana umasa..pakawalan mo na.."


"di ako umaasa..nagbabakasakali lng.. na sana.."

"sana ano?? na ikaw parin? tanga ka?? di ka na niya mahal..wala naman magmamahal pa sayo ee..kung meron man..matagal pa yun di siya..kinakalimutan kana..or.. wala naman na tlga siyang nararamdaman sayo.."

"pero malay mo...meron pa.."

"malay?? nakita mo bang napag tatabuyan kana?? na iniiwasan kana?? na di ka na niya pinapansin??"

"nangako siya.. may sinabi siya..pinanghahawakan ko yun..kahit papaano"

"tanga! tanga ka o tanga kalang tlga?? di mo alam kung kelan bibitiw..nakita mo na lahat ng pwede mong makita patunay na di ka naman niya tlga insiip kahit anung pag iisip mo sa knya.."

"pero nagbabakaskali lng kasi ako..na sana kahit papaano..sagutin niya ang mga naka hanging na tanong.."

"wala na siyang sasagutin..di niya alam ang isasagot sa katanungang dapat alam mo na ang sagot umpisa palang..di na rin niya kasalanan na masaktan ka..dahil umpisa palang nasabi niya na ayaw ka niyang saktan..kaya eto..iniiwasan ka..at hindi nagsasabi sa totoong nararamdaman nia dahil ayaw ka niyang saktan.."

"mahal na mahal ko siya..ilang beses ko sinabi na sana sa iba nalang..na sana di siya..na sana..mawala na to..pero ang tgas ng ulo ko..palaging siya..palaging siya..:("

"iwanan mo ang nakaraan..magpatuloy ka..kalimutan mo siya na parang tulad ng mga nakaraan mo..wag ka ng umasa..dahil ang tulad niya na pinapakawalan ka ng basta basta..wat more.. sa susunod..di siya magdadalwang isip na iwan ka ulit..di na siya masaya sayo..at yun sguro ang dahilan niya.."

"naghihintay na ba ako sa wala?"

"kung ayaw mo masaktan..matutO kang bumitaw..."

"mahal ko siya...kahit kailan di ako napagod magmahal sa knya...kahit kailan.. ngayon lang..:("

Saturday, February 27, 2010

feb 28.10
to my perfect stranger,

alam mo bang madami akong gustong sabihin? di ko alam pano at san sisimulan.. siguro dahil na rin.. sa di mo alam lagi ang sasabihin mo.. sa tuwing sinsabi mo yan..pati ako..natatameme.. di ko na din nalalaman ang sasabihin ko.. dahil alam ko..sa lahat ng sasabihin ko..ang masasabi mo lng.."di ko alam sasabihin ko"
di kita pinipilit magsalita..
oo nga pala..wala akong karapatan na..:(

siguro sa part na iniyakan ko..Alam mo bang nung gabing sinabi mo sakin na mahal mo ko..pero mahal mo pa siya..ay sobra kong iniyakan? i know alam mo nakita mo.. after nun..pinilit kong wag na umiyak..dahil nangako ako sayo..na di na ako iiyak after ng pag uusap na yun.. Nung sinabi mong intayin kita..maiintay ba kita anung sinabi ko? kaya ko..iintayin ko pagbabalik mo.. pero bakit biglang bawi na wag na ako mag hintay? wala na ba akong aasahan?wala na bang babalik?
Nung sinabi mo nun na gusto mo pagbalik mo mamahalin mo na ako ng buo..yung ako lang at di mo na siya naiisip.. naniwala ako sayo..kaya pinili kong mag intay..
nung sinabi mong liligawan mo ko ng personal..yung personal..nangarap ako..
nung tinanong mo kelan ang graduation ko..i wish na sana bukas grad ko na..
nung sinabi mong mag usap pa din tayo..iyo padin ako sa ffs, pumayag ako.. at gang ngayon iyo pa din ako..but..wala ng usap usap.. nag iiwasan..
tell me whats wrong?
nung humiling ako na sana akin ka padin as engaged..bakit di ka nagpaalam na ayaw mo na..na pagod kana? na pakawalan na kita?

ayaw kitang nahihirapan...ayaw kitang makulitan.. ayaw kitang pag isipin.. kaya lahat ng gusto mo..binibigay ko sayo.. gusto kitang maging masaya.. gusto kitang makitang maayos.. at buo..gaya ng gusto mong mangyari.. just a simple request..please be honest of whats the real score between us? reason mo ba talaga is because your hanging issue about your ex? or may iba pa??

isa lang...hindi natin makakalimutan ang bagay na nakaraan.. lalo na kung minahal natin to..bahagi na siya ng buhay mo..at di lng siya dumaan sa harap mo..

di naman agad agad mawawala ang feelings ko para sayo..the feelings still there.. im still waiting.. im not moving...

"Cause' if one day you wake up and find that your missing me and your heart starts to wonder where on this earth I could be, thinking maybe you'd come back here to the place that we'd meet hen you'd see me waiting for you on the corner of the street, So I'm not moving, I'm not moving.. ."


I know it makes no sense but what else can I do.. How can I move on when I'm still in love with you..?

your still my one and only love..

Saturday, February 6, 2010

sa tuwing naririnig ko ang salitang paghihintay..naiisip ko.. matagal akong naghintay na may magmamahal sakin..yung totoo.. sumubok ako.. sa madaming pagkakataon.. at dahil sumubok ako..nasaktan ako.. halos sa lahat parang pareparehong dahilan..pareho din ang sakit..iiyak ka maaalala mo..hihinto..tapos maaalala mo..makikinig ka ng music tapos..iiyak ka na naman..tapos makikinig ka ng mga emo songs..tapos iiyak ka ulit..PURO iyak hanggang sa di mo na mamalayan..napapagod ka na din umiyak..

lahat naman nakaranas ng maghintay..may iba ilang oras pinagiintay..
pag may lakad may pa importante tapos yung nag iintay magagalit..maiinip..maaasar.. mag aalala..
bakit ba nag iintay??dahil alam mo may darating? o dahil may nagsabing intayin siya? pano ang mga taong nag iintay pero wala naman nagsabing mag intayin sila? bakit sila naghihintay?? nagbabakasakaling may darating?? pano kung wala na? pano kung..ang dumating iba sa inaasahan nilang dumating??

Mahirap mag hintay sa bagay na di mo alam..kung darating ang araw na babalik sila..para kang nakasabit sa puno..na malapit ka ng malaglag..hinihintay ang taong yun para tuluungan ka at di malaglag..masasaktan ka..kakapit ka sa puno..di mo namamalayan namamanhid na ang kamay mo..braso mo..lahat ng lakas mo mauubos.. hanggang sa gugustuhin mo nalang na mahulog sa puno..

hanggang kelan? hanggang san? ka maghihintay sa bagay na di mo alam kung hanggang kelan..walang kasiguraduhan.. maghihintay ka pa din ba sa taong nangakong darating para sayo? o hahayaan mo nalang na mahulog sa puno at wag na intayin ang oras ng knyang padating?
pano kung dumating sya sa panahong nahulog kana sa puno at pagod na? o pano kung dumating siya nakakapit ka padin sa puno pero siya..meron ng iba??

pero alam mo kung anu ang maganda sa pa iintay?? makikita ng taong nagpapaintay kung gano mo sila kamahal para matiis mo na mag intay.. dahil may tamang panahon at oras..lahat may dahilan.. nasa tao na yan pano tatanggapin kung ano ang pwedeng mangyari..

buong buhay ko nag hihintay ako... hindi ako sumusuko..hindi rin ako bumibitaw.. ang hiling ko lng..pahalagahan ako..

Ngayon nag iintay ako sa taong humiling na hintayin siya..
Hindi ko alam hanggang kelan ako mag iintay..
hindi ako sumusuko..o bumibitaw..
mag hihintay ako hanggat kaya kong maghintay..
sana sa pagbabalik niya..lahat ng bagay maayos na..

**nagugutom na ako...***:((
SOundtrip: I'll wait for you

Not Enough

Di ka pwedeng mag mahal ng sabay..mahal mo siya pero mahal mo parin ang nakaraan.. Di ka makakapaglakad hanggat di mo pa kinukuha ang dapat makuha..
di ka makakapagpatuloy hanggat may naiwan ka pa sa pinang galingan mo..dahil babalik at babalik ka padin..para kunin ito..
di ka pwedeng magmahal..hanggat ang puso mo ay pag mamay ari pa ng iba..

kung pipilitin mong magmahal para lang makalimutan siya..di lang sarili mo ang sinsaktan mo..pati ibang tao sasaktan mo din..Hindi patas..LUGE..
ang isa sumugal..ang isa pala sumugal pero di lahat..
ang isa binigay lahat..ang isa pala wala pang maibibigay..
kahit san tignan may mali..may lugi..may masasaktan..san ka lulugar?

minsan iniisip ko..ang pag ibig parang sugal..pero nakakasawa na na ikumpara ang lahat sa sugal..
dahil minsan..hindi ka na sumusugal..kusa mo ng ibinibigay..kahit alam mong pwedeng wala ng matira sayo..hanggang sa wala ka ng mabigay..kulang padin para mapasaya mo ang taong gusto mo mapasaya..

"san mo ilalagay ang sarili mo sa taong di alam san ka din ilulugar sa buhay niya?"
wala kang pwesto..mahalaga ka siguro pero ang puso niya naiwan padin sa nakaraan.. hindi mo pwedeng isiksik ang sarili mo dahil kahit anung siksik mo..di parin sapat..
wala kang mali nagmahal ka..yun nga lang sa taong di pa handang magmahal..

"fixing someone’s broken heart is much more like treating a sickness.. no matter how hard you try, if you’re not the right medicine, you can never cure the pain.":(

Friday, January 15, 2010

:(

alam ko..ang dami ko ng nagwang pagkakamali..
hingi ako ng hingi ng sorry..nakakasawa na kahit ako nagsasawa na na humingi ng sorry sa mga kapalpakan ko..sa katangahan..at lahat ng mga ugali ko na di mo masakyan..

whats wrong with me..?? tell me..
lahat nalang ng gawin ko..sabihin ko.. lahat..mali..
ako nga ba talaga ang mali?? at dahil dun..unti unti ka ng lumalayo??
sabihin mo lng ang totoo..matatanggap ko naman..na dahil sa ugali ko..nakasanayan..at mga hirit ko yung dating pagmamahal mo..di na ganun..:(

di naman ako umaasa pa na magbabalik pa yung dati..nasanay na ako..
ganun talaga siguro..di ako marunong mag alaga..mag pahalaga..

ayoko na rin mag sorry..dahil kahit anung sorry ko..wala ding saysay..pero i would like to take this chance para magsorry sa lahat..ng nagawa kong kasalan..simula pa nung una.. hidni ko mapapangako na last na sorry na to.. tao ako..di perpekto..mag kakamali at magkakamali din ako..pero kung ang pagkakamaling yun ang magiging dahilan..para di mo na ako mahalin..baka..(ayoko isipin pero sana hindi totoo..) ang pagmamahal mo ay mababaw para di ako unawain sa mga ugali kong di mo nakita nung una palang.. wag ka magmamahal ng taong di mo pa kilala ng lubusan..dahil madali mo siyang mapapalitan sa simpleng pagkakamali niya dahil mabilis mawawala ang pagmamahal na umpisa palang konti lang ang tinaya..
di ko kinekwestyon ang pagmamahal mo..pero yan ang tumatakbo sa isip ko ngayon..

Nangako akong di kita iiwan..at di mapapagod sayo..kahit madalas uminit ulo mo..bad mood ka..at walang kang gana kausap ako...na puro "aahh ok" at puro "wala kang ginawa" ang lagi mong sinasabi.. di naman magbabago yun..di dahil napangako ko..kundi dahil yun lang ang magagawa ko..sa pinanghahawakan kong salita na "mahal kita at di ito magbabago..at di ako magsasawa" hanggang ngayon..kumakapit parin ako.. kaya mo ba akong pakawalan? kasi ako..di ko pa kaya..kahit na nararamdaman ko na.. na...lumalayo ka na...

ikaw yung taong..takbo ng takbo..sobrang bilis..di kita mahabol.. at nasasaktan ako..dahil pakiramdam ko..lumalayo kana..napapalayo sakin.. andyan ka nga..pero di kita maramdaman..
ganun ka ba tlga? wag mo ko sanayin na ganun ka..dahil baka masanay ako na nababalewala..
at magising na lng na nadapa na ako..kakahabol sayo..:(

ayoko mangyari yun..mahal na mahal kita.. kahit di maalis sa isip ko na alam mong pwede akong masaktan sayo..pero sana di mo ko sasaktan.. dahil unit unti mo kong pinapatay..di na naman ako makaiwas.. mahal na mahal kita..:( sobra pa sa inaasahan ko.. at dahil dyan nalulungkot ako dahil yung pagmamahal ko sayo.. sa sobrang dami...nasasayang at pakiramdam ko di napapahalagan.. :(