CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Tuesday, January 1, 2008

bagong taon na!!!!

bagong taon na..kaya naisipan kong magsulat sa blog na to, naisip ko..na pag magsusulat ako..may remembrance ako dahil unang araw ng ng taon ito..pero ano ba ang pwede kong isulat na masasabi ko na "yes!oo nga ito yung araw na yun!" haha..corny no?pero ang totoo wala talaga akong masip na magandang topic sa isinusulat ko sa blog..kung akin nga namang bibilangin..napakadami kong online space sa internet..may dalawang friendster account ako na may blogs, may multiply, may myspace at may blogspot..actually, i really want to have a blog before pa kasi diba sabi nila..its an online diary na mababasa ng iba ang nangyayari sa life mo..once youve posted it and published..how nice na makaka earn ka ng comments and fans sa mga pinagsusulat mo..kaso..ang malaking KASO di naman ako kagalingan magsulat..at hindi humorous yung ginagawa ko gaya ni bob ong(favorite ko pa naman)

Ngayon, naisip ko na..meron na kaming internet na anytime pwede akong makapagsulat sa blog at gumawa ng mga eskandalo na kahit sino makakabasa..ang KASO..tamad naman akong magkwento..at isa pa..wala talaga akong talento..

pero,dahil gusto kong makapagsulat..nagsusulat ako..gusto kong mapahatid sa tao ang nasa isip ko..mula pa noon..kaso..naiipon lang sa utak ko, at pagkatapos natatae ko rin..hanggang sa makalimutan ko na, minsan naiisip ko,isulat na muna sa papel ang mga bagay na tumatakbo at tinatype ng isip ko..kaso yung kamay ko naman ang tamad..minsan naman yun utak ko ang wala sa ayos..di ko alam paano sisimulan at paano tatapusin hanggang sa kakaisip ko sa panimula..wala parin akong nagagawa..ilang papel na na may bura ang natapon ko at ilang tinta na ng ballpen ang nasayang ilang pilas na ng notebook ko ang napunit ko wala paring saysay dahil kung makagawa man ako ng napakandang sulat..di ko rin naman maipagmalaki dahil alam ko, informal ang pagkakagawa nun..walang direksyon..paliguy ligoy..
ngayon..ipagpapatuloy ko pa ba ang pagsusulat??..hmm..MAHIWAGA...

isa pa..napakahaba na nitong sinusulat ko,may magtityaga kayang basahin to?bahala kayo!

since nandito na ako sa pagsusulat ng guso kong gawin bukod sa napakagandang pangarap ko bilang nurse..hindi nyo natatanong guys, gusto ko ding magdirek..YES!maging DIRECTOR!hindi ko man alam kung paano yun pero, guso kong maranasan yung feeling na nagdidirek ka ng isang teatro,pelikula,drama..blah blah..napakasarap panuorin yung mga tao na sumusunod sa utos mo tapos makita ang pinaghirapan mo..kaso i kow hindi ko linya yun..so hanggang pangarap ka nalang Bb.Santos!

isa pa..minsan naiisip ko sarili ko..kumakanta..OO singer, gusto ko ding maging singer!nakakatawa dahil wala man ako sa tono, alam ko kaya kong kumanta..hindi man ako tangganpin ng tao may banyo naman ehh..bagsak man ako parati sa pandinig ng mga mahal kong kaibigan..anung ginagawa ng karaoke na palagi akong 95% diba? isa lang yan sa mga wildest dream ko..

pero ito for sure di kayo magtataka..dahil kahit papaano marunong akong sumayaw..pero di ko naman binalak maging dancer o sumayaw buong buhay ko..gusto ko lang sumayaw,para magpasaya..at mapakita ang talento ko nakatago..HIDDEN TALENT..(itago na lang)

ngayon anu pa ba ang nais ko?hmm..sawa na kasi ako sa gusto kong maging ibon na malaya...siguro hindi na kaya ng pandinig ko na marinig ang linyang iyan..masaya na ako na kahit papaano napapahatid ko sa mambabasa ng blog na ito ang totoong ako..

ngayon ang tanong ko nalang "may nagbabasa ba ng blog ko?na parang hindi akma sa title ko ang nakasulat?

mahaba na ba at tinatamad na kayong magbasa??
may nagbabasa kaya?
kung meron..maraming salamat..
dahil nagaksya ka ng oras mo sa pagbabasa ng walang kwentang blog na ito..pero masaya ako na naappreciate mo..

maraming salamat!!
happy new year

0 comments: