its raining men ang drama ko..hindi pala..
nakakatuwa lang dahil sa kalagitnaan ng malakas na ulan at hindi ko pagdala n payOng nagawa ko pang ngumiti at kiligin..
pagsakay ko sa jeep kanina..agad ko syang nakita..grabe!!
love at first sight na ata..haha..
ang bilis?kasi naman..ang gwapo nya..yung tipong di na kailangan mag-ayos para
maging matikas ang itsura..yung napaka pangkariniwang muka pero ang sarap titigan at di ka magsasawa..yung para bang gugustuhin mong ngumiti habang tinititigan yung muka niyang hindi maamo pero may dating..
kaso..may kasama..but i dont care..wala akong ginagawang masama..pasalamat nga sya..inaappreciate ko yung lalakeng kausap niya..
nakita kong natetext sya..inisip ko sana ako na lang katext nya..ka forwardan ng sweet quotes and kalambingan sa text..
"kamusta kana?"
"ok lang ikaw?"
"eto naksakay sa jeep pauwi na.."
"ingat ka ha..wag pabasa sa ulan.."
"ikaw rin..kain ka mabuti pag uwi mo ha..?"
sana ako na lang yung katext nya..pesteng ambOn lumakas..nagpapaalala na malapit ka ng bumababa..at mababasa ka ng ulan dahil wala kang payong sa kagagahan mo..haiz..sm bacoor na..tapos na ang pantasya..:(
Thursday, September 27, 2007
san di na lang ako pumara
Posted by Bilog..malayang pagsusulat! at 9:34 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment