CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Thursday, September 27, 2007

Walang pamagat

Nakakainis!
walaNg magandang masulat..wala akoNg maisip na pwedeng isulat..pero nagsusulat ako..
ano bang pinakamagandang paraan para makalimot? Magsulat tulad ng ginagawa ko?
MInsan sadyang mahirap lumimot sa isang bagay na nagkaroon na ng malaking parte sa'yo.
ngunit ang tanong, "nagkaroon ka ba ng malaking parte sa buhay niya gaya ng parte niya sa katauhan mo?"

wAla tayong nalalaman sa iniisip ng bawat isa. Maaring wala kang halaga sa kanya. maari ding pinahahalagahan ka niya gaya ng pagpapahalaga mo sa kanya. Pero bakit kailangan maging palaisipan ang mga damdamin ng tao? para saktan ang bawat isa? Magmamahal ka nga, hindi mo naman alam kung mahal ka din nya..Langya! diba masakit?! Aasa ka pero sa dulo, kapag nalaman mo ang totoo, 'di ba masakit?

hindi ka ba napapagod masaktan? ilang beses ka nabang nasaktan, nabigo at umasa?

nasanay na lang siguro akong masaktan..mabigo..umasa.. at magpaalam sa damdamin ko.. wala akong alam sa tunay niyang damdamin para sakin..Meron ba o wala?!!

sa araw-araw na nakikita ko siya, nasasaktan ako, dahil hindi ko alam ang lugar ko sa kanya. Pero sa mga oras magkausap kami..masaya ako..Umaasa, na sana wala ng katapusan. Pero lahat may katapusan, may hangganan.. Tulad ng pagpapaalam sa isang taong hindi kailan ma'y naging iyo..
ito ang katotohanan..'May ikaw, may ako, pero walang tayo

0 comments: