CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Sunday, November 22, 2009

dahil kaibigan kita..kaibigan mo ko..at magkaibigan tayo..

makita lang kitang masaya, kakayanin kong magpatawa
makasama ka lang, handa kong patayin ng oras para huminto ito sa pagtakbo..
makausap ka lang, kaya kong sumigaw ng malakas kahit gaano ka kalayo
dahil kaibigan kita..kaibigan mo ko..at magkaibigan tayo..

para sayo, handa akong maging habang buhay mong kaibigan..
para sayo, magiisip ako ng magpapangiti sayo sa malulungkot mong gabi
para sayo, handa akong hindi matulog samahan kalang sa mga kadramahan mo
dahil kaibigan kita..kaibigan mo ko..at magkaibigan tayo..

Unti-unti akong namamatay..unti-unti mo kong pinapatay..

simpleng hawak mo nagyeyelo lahat ng mga nasa isip ko
simpleng ngiti mo sumisikip mundo ko..
dahil sa simpleng tingin mo..parang talim siya sa puso ko
dahil kaibigan lang kita..kaibigan mo lang ko..at magkaibigan lang tayo..

kung gagawa man ako ng tulay para sa atin sana umabot sayo
kung gagawa ka man ng tulay..sana umabot sa kanya
masaya ako dahil masaya ka sa kanya..
ikaw ang aking habangbuhay..at siya ang habangbuhay mo..
dahil kaibigan lang kita..kaibigan mo lang ko..at magkaibigan lang tayo..

mahal kita..dahil kaibigan kita..
{ December 2, 2008 }

0 comments: