girl: baka makita nila tayo..halika dito..(sabay beso)
boy: bakit?ayaw mo bang malaman nila na tayo na? na girlfriend na kita?
girl: hindi naman..ang akin lang naman..mas maganda naman diba na kahit di nila alam atleast alam natin sa isat isa na tayo..
boy: pero bakit kailangan itago? kinakahiya mo ba ako ang boyfriend mo? or worst?baka di mo ako mahal?
girl: hindi sa hindi kita mahal..ang akin lang kung sakali man na magbreak tayo, hindi halata na naging tayo pala at walang mga tsismis na kakalat..at walang masama sa paningin ng ibang tao..hindi ikaw hindi ako..wala..
boy: 2 days palang tayo, bakit iniisip mo na agad na baka magkahiwalay tayo? anu ba hindi kita maintindihan..(inis)
girl: hindi.. naman..(hinawakan ang kamay ng guy at tumitig sa mata nya)
boy: ano?
girl: hindi mo kasi naiintindihan..mahal naman kita eh..
boy: bakit nga??!! sabihin mo kasi?
girl: ang akin lang..unang boyfriend kita at ayaw ko namang maging sandalian ang relasyong ito, pero hinahanda ko lang sarili ko na KUNG SAKALI man na magkahiwalay tayo..handa ako at hindi ako ganun masasaktan..alam mo naman na takot akong masaktan.. hindi naman natin sure..
boy: (tahimik)
girl: naiinitdihan mo ba??
boy: hindi..iniisip ko hindi mo naman siguro talaga ako mahal..kaya ka nag iisip ng ganyan..ni hindi mo ko kayang ipagmalaki..at hindi rin kita makausap kahit nasa isang classroom tayo..hanggang tingin lang ako sayo..ni hindi mo rin ako nilalapitan..nasasaktan ako..hindi mo ba alam yon???
girl: (biglang yumuko) alam mo bang mas mahal kita kaysa sa mahal mo ako? hindi lang ikaw ang nahihirapan..mas nahihirapan ako, dahil wala akong kasiguraduhan..hindi ko alam kung tunay bang mahal mo ko?siguro pag nakakasigurado na ko..baka ipagsigawan ko pa..na mahal kita..
boy: bakit? mahal naman kta ah..
girl: oo..sinasabi mo..gusto ko maniwala..sana alam mong gusto kong maniwala..(sa malungkot na mukha na may pag aalangan)
boy: (biglang niyakap ng mahigpit ang girl)
boy: maniwala ka sana..kung hindi pa natin mapakita ang pagmamahal sa isat isa..alam ko darating din yung time na..mararamdaman natin na mahal talaga natin ang isat isa..mahal kita at yun ang totoo..
girl: (niyakap ang guy at tumingin sa mata ng guy) ikaw ang una ko..sana ikaw na..yokong umasa sa ganung pangarap pero..hangga’t nararamdaman ko ang ganitong pakiramdam pag kasama ka..alam ko masaya ako..at nararamdaman kong kailangan kita..mahal kita..
boy: mahal din kita..
girl: pero mas nauna akong nagkagusto sayo..kaya alangan ako sayo..(parang nahihiyang tumingin)
boy: hahaha..umamin na din…okay lang yun..
girl: ang sama mo..pinagtatawanan mo ko..kasi ikaw ehh..
boy: bakit ako???ehhh..(sabay kiliti sa kilikili)
girl: anu ba? nakakainis kana..bakit kaba nanunukso?
boy: kaya pala ang bilis mo kong sagutin..dahil may pagnanasa ka na talaga akin noon pa..haha..jokes!
girl: hindi kaya!!
boy: ehh ano??ayaw mo kong pakawalan??
girl: (nag sumimangot)
boy: bakit hindi mo ko niligawan? (mukang nangungutya pa)
girl: (naiinis na)
boy: oyy..nagagalit na sya..hindi na..joke lang naman yun ehh..
girl: hindi ehh..hindi sa ganun..kaya nga ba parang alangan ako sayo ehh..
boy: ay pikon..(nangungutya talaga)
girl: oo napipikon na ko…kasi parang hinintay mo lang na makapagtapat ako sayo tapos wala na..wala na..alam ko hindi mo ko mahal..mahal mo pa ang ex girlfriend mo..yung maganda..yung sexy..yung mas matangkad…yung malambing sayo..yung..
boy: (biglang hinawakan ng guy ang ulo ng girl at hinalikan sa labi)
***tapos***
{ January 10, 2008 )
Sunday, November 22, 2009
Walang kasiguraduhan
Posted by Bilog..malayang pagsusulat! at 7:22 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment